“Ang
bolpen sa loob ng Laboratoryo ni Itay”
It is
risk to love. What if it doesn’t work out? Ang tanong na pumasok sa isipan ni Bryan,
labing siyam na taong gulang na pumapasok sa Unibersidad ng Sto. Tomas at anak
ng isang kilalang imbentor sa larangan ng teknolohiya habang tinitingnan ang
larawan ng lihim niyang iniibig na si Lira. Si Lira ay isang magandang babae,
kababata ni Bryan, magaling umugtog ng piano at isang matalinong estudyante sa
paaralang pinapasukan din ni Bryan.
“Bryan , halika na muna at
tayo ay kakain na. itigil mo na muna iyang iyong pag-aaral” ang wika ng ina ni Bryan habang inihahanda
ang kanilang pakain para sa tanghalian.
Pagkawika ng ina ni Bryan ay agad
nitong itinago a gang hawak na litrato at tumulong ito kaagad sa kanyang ina na
nasa kusina.
Habang nakain ang mag-ina ay bigla
itong napatanong sa anak tungkol sa sitwasyon ng pag-aaral nito sa eskwela. “Oh,
Bryan, naipasa mo na ba ang lahat n requirements mo sa school para sa 2nd
grading”, ang tanong ng ina ni bryan sa anak.
“Naipasa ko nap o ang mga kailangan
ko sa school. At saka malapit na nga rin po ang exam naming”, ang sagot ni bryan sa ina.
“Anak, mag-aral ka ng mabuti at
napansin ko yatang mababa ang nakuha mong maka sa exam nyo noong 1st
sem mo” wika muli ng ina ni Bryan.
“Opo, inay” ang tugon ni Bryan sa
ina.
“Pero anak, bago ka muna mag-aral
linisin mo muna yung laboratoryo ng iyong ama napapansin ko kasing hindi na
natin naaasikaso simula nag siya ay
mamatay, tapos yung mga hindi na natin kailangan at mapapakinabangan ay itapon
mo na”wika nito muli sa anak.
“O, sige poi nay” ang tugon ni Bryan
habang nakangiti sa ina.
Habang nagllinis si Bryan ay nakita
niya ang ilan sa mga imbensyon ng kanyang ama na hindi nito natapos bago ito
mamatay sa sakit na cancer. Kaya napaiyak na lamang ito sa sobrang pangungulila
sa ama habang tinitingnan ang mga gamit nang yumaong ama.
Dahil sa sobrang kalungkutan at
pangungulila sa ama ay napaupo na lamang ito sa isang sulok at doon, siya ay
nakatulog na may luha pa ang kanyang mga mata. Nang siya ay magising di
inaasahang natamaan ng kanyang mata ang
isang bolpen na puro metal. Habang tinititigan niya ang nasabig bolpen ay
napansin niya ang kulay pulang buton sa taas nito, ang mga butas na animo’y
speaker at ang maliliit na buton sa paligid nito. At nang pindutin niya ang
pulang buton ay naglabas ito ng ilaw na mistulang lazer kung titingnan ngunit
kung an glazer ay naglalabas ng pulang ilaw ang bolpen naman ay naglalabas ng
kulay asul na lazer na kung tititigang mabuti ay makakabuo ng isang larawan. At
sa kagustuhang malaman kung ano talaga yon ay inikit niya ang gina ng bolpen at
dodn niya nakita ang maliliit at iba’t ibang kulay na wires.
At
dahil sa kagustuhang malaman ang kakayahan ng bolpen at kung bakit ito ginawa
ng ama ng kanyang ama ay minabuti niyang itago na lamang muna ito at sa ibang
araw na pag-experimentuhanat busisiin.
Kinabukasan,
araw ng Linggo, pakatapos sumimba ni bryan kasama ang ina ay nagtungo ito
kaagad sa kwarto upang mag-aral bilan paghahanda sa exam nila sa Huwebes at
Biyernes. Disidido si bryan
na mag-aral ng mabuti upang mapataas ang kanyang mga marka at makapasa sa
pagsusulit. Habang nag-aaral ay naalala niya muli ang kanyang mga
takdang-aralin na dapat sagutan at nang kukunin na niya ang kanyang bag ay naalala
niya muli ang bolpen ng ama kaya naman kinuha niya ito mula sa pagkakatago at
inilapag sa mesa na kanyang
pinag-aaralan. At doonmuli niya itong binusisi ngunit habang tahimik
niyang pinipindot ang ilan sa mga buton ay wala naming nangyayari kaya’t minabuti
na lamang niyng ilagay ito sa tabi ng masa. Ngunit habang naggagawa siya ng
takdang aralin ay nalimutan niyang napindot. Hindi nito alam na kaya pala ng
nasabing bolpen na store ng data na nakikinig nito mula sa kanyang paligid sa
pamamagitan ng maliit na memory card sa loob nito. At nang itatabi at ilalagay
na niya ang kanyang mga gamit sa kanyang bag ay napasama sa mga gamit niya ang bolpen.
At nang
dumating na ang araw ng kanyang pagsusulit para sa ikalawang markahan ay nakita
niya muli ang bolpen. At dahil sa malapit nang dumating ang kanilang guro para
sa unang pagsusulit nang araw na iyon, ay nailagay na lamang niya ang bolpen sa
kwelyo ng kanyang damit. Sa pangalawang pagkakataon , nalimutan na naman niyang
ibalik sa dati ang buton na kanyang napindot ngunit sa pagkakataong ito ay ang
buton naman na may kakayahang sumagot ng mga tanong ang napindot ni Bryan.
Dahil ditto saka palamang nalaman ni brayan na ang mga notes at data na kanyang
sinasabi ay naririnig at naiistore ito sa memory card na saka pa lamang niyang
nakita sa loob ng bolpen.
Kaya
naman habang nag-eexam si Bryan ay nakatutulong
ito upang malaman ni bryan
ang sagot sa mga tanong na hindi niya alam.
Kahit alam ni Bryan na masamang mandaya sa
isang pagsusulit ay hindi na nito napigilan ang sarili na gawin yaon dahil ito
lamang ang tanging paraan upang mapataas muli ang kanyang mga marka mula sa mga marking
lubos na mababa kung ikukumpara sa iba nitong marka noong nakaraan.
Sa halip na magtanong sa iba
upang malama kung ano talaga ang dahilan ng mga bagay na kayang gawin ng bolpen
ay inilihim na lamang muna niya ito upang siya mismo ang maadiskubre sa iba
pang bagay na kayang gawin ng nasabing bolpen.
Pagkarating sa bahay matapos ang pagsusulit ay nagmano
muna ito sa ina at saka tumaas upang pumunta sa kanyang kwarto upang suriing
mabuti ang bolpen.
Kinabukasan,ito ang pangalwang
araw niya upang kumuha ng mga natitira pang mga pagsusulit para sa 2nd
sem. Muli niyang inilabas ang bolpeng metal upang siya ay matulungan nito sa
pagsagot sa mga tanong n nahihirapan
siyang sagutan. Ngunit hindi inaasahang napansin siya ng kanyang katabing nandaaya
sa pagsusulit. At sa pagkakataong iyon ay hindi na nagawa ni Bryang magtago pang
katotohanan tungkol sa bolpen kaya’t hiniling niya sa kanyang kamag-aaral na
itago ang kanyang sikreto. Nagkasundo silang hindi ipagsasabi ang tungkol sa
nangyari ngunit hindi naman sumunod sa usapan ang kanyang kamag-aaral kaya’t
nalaman ito ng iba.
At nang nalaman ito ng kanyang
mga kapwa kamag-aaral ayginusto rin nilang magkaroon ng ganoong bolpen upang
makapasa sa mga quiz o exam na ibibigay ng kanilang guro sa iba’t bang
asignatura.
Ngunit dahil hindi nga nito alam
kung paano ito gawin dahil nakita lamang naman niya ito sa dating
LABORATORYO ng ama ay pinili na lamang niyang itago ito at saka nalamang
galawin muli.
Pagklatapos ng araw na iyon,
saka naman niya nakita si lira, ang babaeng naa larawan dahil doon tumibok ng mabilis ang kanyang
puso at muling pumasok sa kanyang isipan ang bolpen. Inakala ni Bryan na baka
kung gagamitin niya ang bolpen para mapataas ang kanyang marka ay magkakalapit
sila ng loob dahil lagi silang magkakasama sa mga patimpalak kung sakasakali.
Dahil doon ay muli niyang kinuha
sa pagkakatago ang bolpen at ginamit niya ito nang walang sinuman ang
nakakaalam. Ginamit niya ang bolpen upang irecord sa memory card ang lahat ng
lecture nila at ginagamit rin niya ito kahit na may pagsusulit o exam at pati
narin kung may mga paligsahan na kanyang sasalihan.
Hindi din naman nagkamali si
Bryan sa paggamit nito dahil nagkalapit nga sila nang loob ni lira dahil palagi
itong magkasama tuwing may patimpalak o programa ang paaralan. Magkasabay sila
palaging magreview tuwing may paligsahan na silang dalawa ang kasali. Di
naglaon ay naging magkasintahan and dalawa.
Di rin nagtagal at nalaman ng na
ni Bryanang sikreto ng anak ng minsan itong pumasok sa kwarto ni Bryan upang
pababain para sa umagahan nilang mag-ina. Dahil doon hiniling Bryan sa ina na hayaan na lang muna siyang gamitin
ang bolpen ng ama na labis na nakatulong sa kanya, sa kanyang pag-aaral at
tuwing may pagsusulit o paligsahan siyang sinasalihan. Ngunit sa halip na
pagbigyan ang anak sa paggamit na bolpen ay hindi ito pumayag na gamitin yaon ng anak dahil alam niya na sa
halip na matuto ang anak ng tamang asal ay matututo ito ng pandaraya sa
eskwelahan.
Itinago ng Bryanang bolpen sa
lugar na hindi nito alam at hindi makikita ng kanyang anak.
Hanggang isang araw nalaman ni Lira
ang tungkol sa pangyayari. Nalaman rin niyang ginamit lang pala ni Bryan ang
bolpen upang magkalapit ang kanilang
loob,at ito ang bagay na ikinasama ng loob ni lira kay Bryan . Dahil doon kahit alam niyang mahal
siya ni Bryan at m,ahal siya ni bryan ay nakipagbreak ito upang turuan ng
leksyon ang kasintahan at ang leksyong gusto niyang manaig kay Bryan ayang wag
gamitin o huwag gumawa ng isang bagay na ikaw lamang sa sarili mo ang
makikinabang.at ang isa pa ay magsabi ng katotohanan at huwag magsinungaling o
maglihim ng bagay na alaqm mong ikasasama mo o ng ibang tao.
Dhil sa pangyayaring yonay bigla
gumuho ang mundo ni Bryan kaya naman nagpunta ito sa roof top ng isang building
sa kanilang paaralan. Doon ay sumigaw siya ng
“MAHAL KITA LIRA. MAHAL NA MAHAL” habang lumuluha at umiiyak.
Nakinig ng ina ni bryan ang sigaw na iyon
habang naglilinis nang kusina. Kaya naman tumakbo kaagad ito sa bodega at
ginising ang anak sa pagkakatulog.
At doon lamang nalaman ni Bryan na nananaginip
lamang siya. At wala talagang bolpen na kayang mag-istore ng data at larawan.
At hindi rin totoong naging magkasintahan sila ni Lira.
“Hay, panaginip lang pala”wika
ni Bryan.
“Isang panaginip na
magpapaalalasa akin ng mga imbensyon ni itay”wika ni Bryan.
“Ay,ano ba naman anak? Bakit
kasumisigaw at ano ba iyang iyong napanaginipan?”ang tanong ng ina ni bryan sa anak.
“Ah, iyon po ba wala poi yon,
Inay”ang tugon ni Bryan sa ina.
At noon ipinangako ni Bryan na hinding hindi
siya gagawa ng ganoong bagay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento