ANG AKING TALAMBUHAY
ang aking Binyag |
"ako at ang aking mga pinsan" |
Noong ika-dalawampu’t isa ng Marso taong 1998 ng ako’y
ipanganak sa St. Gerald Hospital sa Lungsod ng San Pablo. Ako si Maria Carmella
N. Vibal, panganay na anak ni Julian B. Vibal at Eden N. Vibal at ang kapatid nina Rhonald N. Vibal at Jhuliana N. Vibal.
Lumaki ako sa Purok Labak ng aming barangay, angBarangay
Bautisata San
Pablo City ,
Laguna. Ang aming tirahan noon ay malapit sa tabing ilog at nasa may paanan ng
bundok.
Lumaki ako sa Purok Labak ng aming barangay, ang
"Unang araw ng pasukan" |
Naaalala ko pa na
noong ako’y bata pa lamang ay para akong batang lalake kung maglaro noon
sapagkat lagi akong kasama nig aking mga pansin sa paglalaro ng piko,
patintero, sikyo, finish line, baseball, sipa, badminton at kung anu-ano pang
laro. Tuwing mayo naman at may libot sa
aming purok ay gabi-gabi kaming naglalaro ng taguan kasama pa ang ilang bata.
Kung minsan naman ay gumagawa kami ng saranggola at kasama ko sa papa lito sa
pagpapalipad nito doon sa may taniman ng intsik. At pagkatapos na magpalipad ng
saranggola ay kumukuha kami ng mga dalanghita na daladala naming pag-uwi sa
bahay. Tuwing walang pasok naman ay kasama ko an gaming kapitbahayna babae na
si grace bael para maglaro ng habulhabulan sa may bundok, paglalaro ng lastiko
na plaging uso sa amin noon at kung minsan naman ay kasama ko siya sa
panghuhuli ng isda at paggagawa ng
labahan sa ilog kasama ang ibang pang bata.
At noong limang
taong gulang na ako, noong taong 2003 ay nagsimula akong umasok ng kinder. Dahil
ng mgapanahong iyon ay hindi pa uso o wala pa noong prep at nursery sa aming
barangay.
Hindi ako kinabahan noong unang araw ko ng
pagpasok dahil nakita ko na ang mga kaklase ko ay ang mga kalaro ko sa
amin at ang Naaalala ko pa nga na noong
limang taong gulang ako ay pinagpiplian kaming dalawa ni Kuya Jay Vince kung sino ang lalaban sa gaganaping paligsahan
/ patimpalak sa larangan ng Matematika.
Kaya naman upang mapili ako sa Math Quiz ay lagi akong sumasama sa aking lola
tuwing siya ay naglalaba sa ilog upang akoy maturuan niya.
At hindi nasayang
ang pagsama ko kay inay, dahil napili ako ng aking guro na si Ma’am Arlene
upang lumaban. Bagamat hindi ko nakamit
ang karangalan bilang pinakamahusay na kalahok sa nasabing paligsahan,
masaya parin naman ako dahil napili ako ng aking para sumali sa ganoong
paligsahan.
kindergerten |
Kaya naman noong
ika-26 ng Marso taong 2004 ay nakumpleto ko kaagad ang aking kindergarten
course kung saan tinanggap ko ang sertipiko sa mababang paaralan ng Don Enrique
Bautista.
Nang mag- aaral sa
paunang baiting sa Fernando A. Quisumbing Elementary School ay pinapapili ako
ng aking lola kung saan ko gustong pumasok ng grade I kay Ma’am Mylene Seksyon A o kay Ma’am Alcantara Seksyon
B, kahit na alam kong mas mataas ang seksyon A ay mas pinili ko ang seksyon B
dahil noong nag-aaral pa lamang ako ng kinder ay lagi kong nakikita si Kuya
Ryan, ang aking pinsan na pumapasok kay Ma’am Alcantara at gusto ko rin ay doon
ako papasok.”
Dahil nga mas pinili ko ang mapapunta sa seksyon B [GRADE -1 PANDAN] ay hindi na ako nakasali sa ilang mga paligsahan sa
paaralan dahil kinukuha ang lalaban sa Seksyon A. Ngunit bagamat seksyon B lang
ako ay sumali parin ako sa ilang mga events katulad na lamang ng camping sa
Girl Scout. Samantala isa naman sa mga pangyayari noong ako ay Grade 1 na
hinding hindi ko malilimutan ay noong akoy nabunggo ng jeep habang nakikipag –
unahan sa pagsakay upang makalibre lamang ng pamasahe at hindi maglakad. Mabuti
na lamang at nakita ako ng ilang mga guro na may dugo ako sa aking noo, kaya
naagapan ang pagdurugo at hindi na ako kinailangang dalhin sa ospital
"Recognition Day" |
Noong akoy pitong taong gulang na ay muli akong pinapili ni inay kung saan ko gustong pumasok at muli kong pinili ang seksyon B dahil bukod sa nadodoon ang mga kaibigan ko, e doon din pumasok si Kuya Ryan noong siya ay grade II.Naging Guro ko si
Mrs. Devega noong ako’y nasa ikalawang baiting na ng aking pag-aaral. At kung
noon ay hindi ako nakakasali sa mga patimpalak ng paaralaan para sa District
Meet noong grade II naman ako ay napili na ako bilang kalahok sa MTAP Quiz Bee
kung saan nakasama ko roon sina Marjorie at Raven habang kami ay nagrereview
bilang paghahanda sa gaganaping patimpalak. At nang mga panahong iyon ay
nagging magkakaibigan kaming tatlo.
Kung noong ako ay
grade I palang ay nabunggo ako ng isang jeep, noong grade II naman ako ay
nahabol ako ng taga ng isa kong kaklase si Jay-are Tesalona. Hinding hindi ko
malilimutan ang pangyayaing iyon kung saan ay naihulog ko ang kanyang bag
habang naglalaro ako ng habul-habulan kasama ang aking mga kaklase sa loob nang
classroom. At ng makita niya iyon ay kumuha siyang itak at kami ay hinabol ng
taga. Mabuti nalang at may nakakita sa kanya habang kami ay hinahabol kaya
naman walang nangyaring masama.
Samantala noong ako
naman magkatatapos na ng pag-aaral bilang magaaral sa ikalawang baiting ay
pinarangalan ako bilang pinakamahusay na mag-aaral sa aming klase.
"Recognition Day" |
At kung noong Grade
I at Grade II ay pinapipili ako ng gusto kong seksyong papasukan noong Grade
III naman ako ay hindi na ako pinapili dahil inilipat na kaagad ako sa seksyon
A upang malaman daw ang aking kakayahan na makipagsabayan sa iba pang mag-aral.
Doon ay nakilala ko pa ng mabuti sina Marjorie Anguluan at Raven Navia at ang ilan pang mga mag-aaral katulad nina
Aira Carro, Queenie Carro, Zyine Balitaan, Jobelyn Manalo, Unices Manalo,
Wendel Bael, Matthew delas Alas, Norman Capila at iba pang mga estudyante. Kaya
naman madalang ko nang nakakausap ang dati kong mga kaibigan at mga
kamag-aaral.
At sa pagtatapos ng
taon, ako ay tinanghal bilang pang-anim na pinakamahusay na mag-aaral sa aming
klase. Bagamat mas mababa ito kung ikukumpara sa dati kong rangko noong isang
taon ay ayos lamang iyon sa akin. Bagkos ay mas pinagbuti ko pa ang aking
pag-aaral at sumali ako sa iba’t ibang patimpalak sa paaralan.
"mardigra" |
Sumali muli ako sa
ibat ibang paligsahan sa aming paaraan. Noong ako ay siyam na taong gulang na at nasa ika-apat na baiting na ng pag-aaral ay mas dumami ang sinalihan kong mga paligsahan tulad na lamang ng Math quiz bee at MTAP quiz bee, mas nagpusige kong mag-aral ng mabuti hanggang sa pagtatapos ng taon ay tinanghal ako bilag ikalawang pinakamahusay na mag-aaal at huwaran sa kalinisan.
Noong sampumg taong gulang na ako at pumapasok na bilang mg-aaral sa ikalimang baiting ay na-elect ako bilang treasurer ng aming klase, isang posisyon na noon ko lamang nahawakan. Sumali muli ako sa mga paligsahan ng aming eskwelahan ulad na lamang ng HEKASI (Heograpiya, Kasaysayan at Sibika) quiz bee at MTAP quiz bee. Sumali rinako sa ilan pang mga events na ginanap sa mga paaralan o pangkalahatang distrito at dibisyon.
Ngunit sa pagtatapos ay nahirang akong pangatlong pinakamahusay na mag-aaral.
Noong labing isang taong gulang na ako at nasa ikaanim nang baiting, ay na-elact at nanalo muli ako bilang treasurer ng aming klase at Vice President ng aming paaralan.araos ng Coco Festival
ay sinalihan ko rin, kung saan naranasan ko ang matinding pagod at pawis habang
nagsasayaw sa kalsada."araw ng pagtatapos" |
At sa aking
pagtatapos bilang elementary student ay tinanghal ako bilang ikatlong pinakamahusay
na mag-aaral.ang araw na iyon ang masasabi kong araw na hinding hindi ko
malilimutan bilan elementarystudent sa paaralan ng Fernando A.
Quisumbing Elem.
School .
Nang papasok na ako
nang highschool ay tatlong paaralan ag aking pinagpipilian(San Pablo City Highschool,
San Bartolome National Highschool at ang Col. Lauro D.Dizon Memorial National Highschool).
Sa katunayan ay kumuha pa nga ako ng exam sa City High para sa science section
ngunit kahit hindi ko pa alam ang resulta ay napili ko na kaagad ang Dizon
High dahil mas maami akong kakila roon
at nadodoon rin ang ilan kong pinsan katulad ni Kuya Jopet at Ate Rio.
At laking
pasasalamat ko ng makapasok ako sa science section nang bigyan ako ng
pagkakataong makakuha ng exam para makapasasa naturang seksyon. Bagamat nakapasa
ako sa Science Section ay hindi pala iyon ganoon kadali. Dahil hindi tula nila, wala akong
kakilala sa seksyon na yon bukod kay Meryl, na dati kong kasama sa mardigra. Pangalwa,
hindi tulad nila wala akong karanasan o
kaalaman sa paggamit ng computer. Sa katunayan pa nga, ang unang pasok
ko sa computer room ang unang hawak ko sa computer upang matuto kung paano ito
gamitin. Bagamat ganoon ang nangyari madali naman akong naka-adapt sa kanila at
hanggang naging kaibigan ko narin ang ilan sa aking mga bagong kaklse. Natuto akong
humawak at gumamit ng computer. Ang mga ito’y hindi naging sagabal upang
makipagsabayan ako sa kanila upang matuto at mag-aral ng iba’t ibang leksyon o
aralin.
Hangga’t kaya ko ay ginawa ko ang
lahat ng requirement para makapasa, maka-adapt at para hindi ko maisip ang ilan
sa masasayang alaala ng taong ako ay nasa elementarya. Kaya naman pinarangalan ako
sa pagtatapos ng taon bilang ikapitong pinakamahusay na mag-aaral.
"ako at ang aking mga pinsan" maria carmella n vibal |
At kahit ngayon nasa 2nd year
highschool at labing tatlong taong gulang na ako, lagi kong naaalala ang
masasayang bahagi ng aking buhay bilang bata, mag-aaral, kapatid at anak. At
ang mga alaalang iyon ay hinding hindi mabubura
kahit sa paglipas ng marami pang mga taon.